Lyrics Only for "Langit ang aking nadarama" by Malayang Pilipino.
Verse:
Ang kailangan ko ay pag-ibig Mo
O Diyos sa buhay kong ito
Ang kagalakan Mo'y kalakasan ko
Ikaw ang nais ko
Pre-chorus:
Ikaw lamang ang pupurihin
Ang pangalan Mo'y dadakilain
Wala ng sa Iyo'y maihahambing
Ang awit ko'y Iyong dinggin
Chorus:
Langit ang aking nadarama
Sa tuwing kapiling Ka
Ang puso ko'y sumisigla
Kapag sa Iyo'y sumasamba