Lyrics Only for "Minamahal Kita" by Joseph Apilado (TLH Music)
Talata I:
Buhay Mong kaloob O Diyos
Ginamit sa kasamaan
Lumayo Sa'yong kalooban
Nasadlak sa kasalanan
Iyo paring tinulungan
Salamat po Sayong kaligtasan
Pre-Koro:
Sa'yo lang naranasan
Ang tunay na pagmamahal O Diyos
Wala kang katulad
Di ko sasayangin
Pag-ibig Mo sa akin
Buong pusong aawitin
Minamahal Kita
Koro:
Minamahal Kita, minamahal Kita
Sa buhay ko O Diyos wala na ngang iba
Minamahal Kita, minamahal Kita
Sa buhay ko'y wala na ngang iba
Talata II:
Salamat Sayo Panginoon
Binigyan Mo ng liwanag
Ang buhay kong nasa kadiliman
Katotohanan Mo'y nagpalaya
Sa akin nagbigay ng pag-asa
Ikaw ngayo'y aking paglilingkuran
Talata III:
Darating ang panahon
Sa kabilang buhay Panginoon
Ako'y malayang sasamba
Di mapipigilan
Mga mata'y maging luhaan
Isisigaw sa kalangitan
Minamahal Kita
コメント